Freed Thought #2 10:46 PM Saturday

I think I just got my first heartbreak. Tuloy-tuloy lang ang pagsakit ng puso ko habang nanonood ako ng livestream ng concert ng BTS. I'm suddenly regretting kung bakit hindi ko sila agad nakilala in the first place. Shit happens nga naman kasi. Masakit sa pusong magmahal ng taong kailanman hindi magiging iyo. At alam mo na kailanmang hindi siya mapapasa'yo at kahit hindi mo tanggap, wala ka na lang magawa kundi magmahal. Kahit hindi mo tanggap. Kesa naman tanggapin mo 'yung katotohanan at tumigil ka sa pagmamahal kahit na alam mo sa sarili mong mahal mo pa rin siya? Diba mas masakit 'yun? 

Umiiyak ako habang hinihintay kanina na mag-load 'yung livestream ng concert kaso punyeta ang tagal magplay. Ang mas masakit pa, umiiyak ako pero walang lumalabas na luha. I'm crying internally. Ang sakit nga dahil pinupukpok ko pa 'yung dibdib ko dahil baka sakaling lumabas 'yung mga lintek na luha kaso kahit anong gawin ko ayaw talaga, eh.

Imagine my happiness nang gumana na 'yung livestream sa laptop ko. Tuwang-tuwa ako na aakalain mong nanalo ako sa lotto or what. Masyado akong na-overwhelm habang pinapanood ko 'yung livestream na nagsisimula na namang umiyak 'yung loob-looban ko. Kasi naiinggit ako sa mga nasa MOA arena ngayon. Kasi nagsisisi ako kung bakit hindi ko nakilala ang BTS ng mas maaga, edi sana nakapag-ipon pa ako para sa concert. Naiinggit ako sa mga babaeng sinisigaw 'yung pangalan ng ibang members ng BTS habang ako, nakatanga sa haralan ng laptop, nagluluksa. Gustong-gusto ko ring sumigaw. Gustong-gusto kong isigaw 'yung pangalan ni Taehyung at sabihing mahal na mahal ko siya kaso alam kong hindi pwede dahil alam kong papagalitan ako ng nanay ko. 

Nanood na lang ako ng may ngiti sa mukha nang kumalma na 'yung sistema ko. Tumahan na 'yung loob ko. 'Yung puso ko. Kaso, nagloko na naman 'yung connection. Syempre nataranta na naman ako dahil gustong-gusto kong makita kung anong sinasayaw nila. Gusto kong marinig 'yung mga boses nilang kumanta. Kaya ayun, hanap ulit ng bagong livestream. Tuwang-tuwa na naman ako kaya sumabay ako sa pagkanta nila. Hindi ko alam 'yung lyrics pero I keep on mumbling incoherent words. Hindi ko nga alam kung words pa ba 'yun o mga letra lang. Nakikisabay ako sa kanta kahit hindi ko alam 'yung lyrics pero nagha-hum ako. Doon ako natuwa lalo kasi alam ko 'yung tono ng kanta kaya nakakasabay ako. 'Yung ibang lyrics alam ko kaya napapakanta ako, pero kapag hindi ko na alam, nagha-hum na lang ako kaya okay na rin.

Malapit nang matapos 'yung concert. Kinanta na nila 'yung last song nila. Spring Day. Napapakanta pa ako dahil familiar ako sa lyrics. And what made my heart flutter even more ay nang dumating ang chorus, imbes na 'yung version ni RM ang kantahin ko, iniba ko at instead, kinanta ang version ng mahal ko, si Taehyung. Tuwang-tuwa ako sa sarili ko dahil parang automatic na lumabas sa bibig ko 'yung version ng chorus ni Taehyung. 

Natapos nilang kantahin 'yun. Tapos lalo pa akong sumaya nang magsalita sila ng tagalog! MYGHAD! Hindi ko mapigilang tumawa at kiligin dahil ang kukulit ng boses nila kapag nagtatagalog sila. 

Dumating 'yung turn ni Taehyung kaya sobrang attentive na ako. Sabi niya, "Mahal ko kayo!" Tapos syempre biglang nagsigawan. Ang una kong narinig ay "Mahal din kita!" Aba punyeta! Kagigil ha! Bigla akong nalaramdaman ng selos pero wala akong nagawa. Hindi naman kasi sa akin si Taehyung. *sad smile* 

Naputol na 'yung connection at since tapos na rin naman na 'yung concert, pinatay ko na lang 'yung laptop ko. Kaso nakaramdam na naman ako ng lungkot. So pumunta ako ng banyo at doon ako nag-emote. Doon ako umiyak. Thoughts went around my head at ang hindi ko makalimutan na naisip ko sa banyo kanina ay, "Bakit hindi kami mayaman? Bakit hindi ako katulad ng iba na ipinanganak sa mayamang pamilya? 'Yung nakukuha lahat ng gusto niya? 'Yung anak ng isang businessman? Edi sana, kung mayaman kami, makakabili agad ako ng ticket ng concert at wala ako dito sa bahay, nanonood lang ng livestream. Hindi ko kailanganh mainggit sa mga babaeng napanood ko kanina dahil makakasigaw na rin ako nh malaya. Hindi na ako maiiyam sa lungkot dahil iiyak na lang ako sa tuwa." 

'Yan ang paulit-ulit na naiisip ko. Syempre tinigil ko 'yung mga ganoong thought dahil wala rin naman akong mapalala doon. Bakit, kung magtatanong ba ako nang magtatanong, maiiba pa ba 'yung buhay at kapalaran ko? Magrereverse ba ang time at ibabalik ako sa panahong hindi pa ako naipapanganak para may chance akong mabago ang kapalaran ko? Hindi naman diba? So itinigil ko na ang pag-iisip ng ganoon at umiyak na lang. 'Yun lang naman kasi ang kaya kong gawin. *sad smile again*

-J.M.R.

Comments

Popular posts from this blog

Freed Thought #9 9:22 Saturday

Freed Thought #6 9:32 PM Sunday