Freed Thought #6 9:32 PM Sunday

School started and it's going easily. Alam kong later on ay mahihirapan na ako at doon ako kinakabahan. These past few days, sumusumpong na naman ang anxiety ko. Bigla na lang akong may maiisip na magpapalungkot sa akin at doon ko na mararamdaman na naiiyak ako. But my situation's worse, I guess.

How? Well... Kapag sinusumpong kasi ako, syempre nalulungkot ako at naiiyak. Pero the problem is... hindi ako makaiyak. I don't know. I'm breaking down mentally pero ayaw lumabas ng mga luha ko. It's like nakalock ako sa isang dungeon at nagwawala ako at naglulupasay, pero kapag tumingin ka sa labas ng kulungan, hindi mo pansin na may nalulungkot na pala sa loob.

Para akong nakakulong sa isang box na may lock at walang susi kaya hindi ako makalabas.

Kaya nga tuwang-tuwa ako kapag naiiyak ako at may luhang lumalabas. Kasi mas magaan sa pakiramdam. Na nailalabas mo 'yung sakit. Hindi 'yung naiiyak ka pero ni isang patak ng luha walang lumalabas.

This anxiety is breaking me into smaller pieces than I already am and if this escalated to a higher levelㅡdepressionㅡI think I won't be able to make it sane.


-J.M.R.

Comments

Popular posts from this blog

Freed Thought #9 9:22 Saturday